LM BibleApp sa Ingles

Mga Awit 134

Tagalog Unlocked Literal Bible

Libreng pagbabasa. Hindi kailangan ng account.

Lahat ng aklat

1Halikayo, pagpalain si Yawheh, lahat kayong mga lingkod ni Yahweh, kayong mga naglilingkod sa tahanan ni Yahweh tuwing gabi.

2Itaas ninyo ang inyong mga kamay sa banal na lugar at pagpalain si Yahweh.

3Nawa pagpalain kayo ni Yahweh mula sa Sion, siya na gumawa ng langit at lupa.